Gagamitin ng Philippine National Police o PNP ang kanilang Oplan Bandillo upang i-kampaniya naman ang vaccination program ng pamahalaan kontra COVID 19.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ay para mapataas ang kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kahalagahan ng pagbabakuna lalo’t nagbabanta sa bansa ang Delta Variant ng nasabing virus.
Ginawa ng PNP Chief ang pahayag kasunod ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaaresto ang sinumang tumangging magpabakuna.
Pero giit ni Eleazar, suportado nila ang posisyon ng Justice Department hinggil sa usapin kaya’t tiniyak nito na walang mangyayaring arestuhan sa mga hindi magpapabakuna.
Sa ngayon, masinsinang nakikipag-ugnayan ang PNP sa Department of Health upang mag-isip ng iba pang mga paraan kung paano mahihikayat ang mga pinoy na samantalahin ang libreng bakuna na ibinibigay ng pamahalaan.
‘Wala, wala po tayong huhulihin, una dahil nakita naman natin na ang mga kababayan natin ay talagang pumupila sa lahat ng mga vaccination sites na ang pila so paano natin makikita na may mga ayaw sa ngayon pero sa tingin ko nga po sa ating sa ating ginagawang kampanya ng iba’t-ibang sektor pati ang iba’t-ibang ahensya ay we will encourage more people to go on vaccination just like our experience in PNP.’ Ani Eleazar sa panayam ng DWIZ.