Inilunsad ng Bureau of Corrections ang “Oplan Bura Tatak”.
Sa ilalim ng programang ito, target na matanggal ang mga tattoo ng lahat ng preso lalo na ang mga miyembro ng iba’t ibang gang sa loob ng bilibid.
Ang kultura kasi umano ng gang sa mga piitan ang kadalasang puno’t dulo ng gulo sa mga preso.
Kahapon, sabay-sabay isinagawa ang oplan bura tatak sa NBP, Correctional Institution for Women at iba pang piitan sa bansa.