Pinagana na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang oplan biyaheng Undas para sa taong kasalukuyan.
Ayon sa Coast Guard, aabot sa mahigit 1,600 tauhan nila ang nakakalat na sa mga pantalan para magkasa ng inspeksyon sa may 247 barko at mahigit 380 motorbanca.
Kasama rin sa iinspeksyunin ng coast guard ang may 6,637 outbound passengers at nasa 5,838 inbound passengers sa iba’t-ibang pantalan sa bansa.
Samantala, nakapagsagawa na rin ng kanilang inspeksyon ang Southern Tagalog District Office ng coast guard sa may 51 mga barko.
Habang nakapagtala naman ng mahigit 1,660 outbound gayundin ng 1,594 na inbound passengers ang coast guard sa National Capital Region (NCR).