Nagpaliwanag ang Philippine National Police kung bakit ibinalik sa zero ang kanilang datos sa pagpapatupad nila ng Oplan Double Barrell.
Ayon kay PNP Deputy Director for Operations C/Supt. Camilo Cascolan, nais nilang ma-engganyo ang lahat ng pulis na ibigay ang kanilang todong pagsusumikap sa nasabing operasyon.
Nais aniya nilang isipin ng mga pulis na nagsisimula silang muli upang mapanumbalik ang kanilang pagiging masigasig sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Nag-level up na rin aniya ang operasyon sa double barrel Alpha kung saan, mas palalawakin pa nito ang kanilang target sa mga high value personalities at celebrities.
Palalakihin na rin ng saklaw ng Oplan Tokhang sa mga paaralan, tanggapan at pabrika mula sa mga tahanan.
By: Jaymark Dagala