Binigyan-diin ni International Criminal Court Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti na isang maghalagang dokumento sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang oplan ‘Double Barrel’ memo na nilagdaan ng nuo’y Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa.
Ang nasabing memo anya ay mahalagang bahagi ng sinasabing ‘mosaic of evidence’ na binuo ng prosecutors para patunayan na ang dating pangulo ang nag-utos ng systematic killings sa war on drugs campaign ng kanyang administrasyon.
Gitt ng abugado, gumamit ng salitang ‘neutralize’ ang dating PNP Chief bilang pagtukoy sa mga drug at ang pag-uuri sa mga “High-value” At “Low-value” target ang sinasabing lumikha ng bureaucratic framework para sa malawakang pagpatay.
Dahil dito, nagsisilbing kritikal na ebidensya ang official memorandum pagtatatag ng responsibilidad ng command.
Samantala, sinaba pa ni Atty. Conti na bumuo ng isa pang haligi sa kaso ang mga forensic evidences.