Nakatakdang iprisinta ni incoming PNP Chief General Ronald Dela Rosa ang bago at mas pinalakas na istratehiya ng pambansang pulisya laban sa iligal na droga.
Sa Oplan Double Barrel, inihalintulad ni Dela Rosa sa isang baril na may dalawang nguso o barrel ang nasabing kampanya na ang ibig sabihin, aniya, isang kalabit sa gatilyo, dalawang barrel ang magpuputok ng bala.
Aniya, puputok ang isang barrel sa mga high value target o malalaking drug personality at mga lokal na opisyal na kasabwat sa operasyon ng iligal na droga.
Samantala, puputok naman ang ikalawang barrel sa street level area o mga pusher sa mga lansangan
Ilalatag ni Dela Rosa ang Oplan Double Barrel sa gagawing command conference pagkatapos niyang maluklok sa pwesto.
By: Avee Devierte