Tiniyak ng Bureau of Corrections (BuCor) na hindi nila tatantanan ang paggalugad sa New Bilibid Prisons (NBP).
Ayon kay acting Bureau of Corrections Chief Rolando Asuncion, walang itinakdang deadline ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa ganap na kalinisan ng Bilibid.
Sinabi ni asuncion na babalik-balikan nila ang lahat ng piitan sa NBP para tiyaking wala nang matitirang kontrabando.
Sa pinakahuling Oplan Galugad, halos 8 oras na ginalugad ng mga tauhan ng Special Action Force, PDEA at BuCor ang selda ng mga grupo sa Quadrant 2.
Nakuha sa mga selda ang shabu na ibinaon sa semento, mahigit sa 1 milyong pisong cash, US dollars, Chinese yuan, mahigit sa 100 cellphones, mga kutsilyo, pana, DVDs, LPG at mga sigarilyo.
By Len Aguirre
Photo Credit: philstar