Makabubuting tuluyan na lamang itigil ang pagpapatupad ng Oplan Galugad sa loob ng New Bilibid Prisons o NBP
Ito’y ayon kay incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay dahil sa Pitumput Limang Porsyento ng iligal na droga ay nagmumula mismo sa National Penitentiary
Binigyang diin pa ni Aguirre, wala namang saysay ang pagpapatupad sa naturang operasyon dahil sa nananatiling kontrolado pa rin ng mga drug lords ang operasyon ng iligal na droga sa loob mismo ng Bilbiid
Sa halip na ipagpatuloy pa ang Oplan Galugad, sinabi ng incoming Justice Secretary na gawin na lamang ang taktikang shock and awe o ang paggamit ng sobrang puwersa para maparalisa ang iligala na operasyon sa loob ng bilangguan
Dahil sa pahayag na ito, kinontra naman ni incumbent Acting Justice Secretary Emmanuel Caparas ang isiniwalat na impormasyon ni incoming Secretary Vitaliano Aguirre
Kaugnay ito sa pagiging pabrika ng shabu ang mismong New Bilibid Prisons o NBP kung saan dito umano nagmumula ang may Pitumpu’t Limang porsyento ng mga droga sa buong bansa
Paggigiit ni Caparas, hindi naman napatunayan sa mga inilunsad na operasyon ng pamahalaaan ang pagkakaroon ng shabu lab sa loob ng NBP Compound
Kung pagbabatayan aniya ang natanggap nilang impormasyon, sinabi ni Caparas na hindi naman malinaw ang eksaktong lugar ng sinasabing shabu laboratory
By: Jaymark Dagala