Ikinasa ang Oplan Greyhound sa Valenzuela, Marikina at Pasay City Jails.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine National Police (PNP) Swat Team ang mga nasabing operasyon sa tatlong kulungan sa Metro Manila.
Sa Valenzuela City Jail, nakuha sa ginalugad na siyam (9) na dormitoryo ang mga ipinagbabawal na gamit tulad ng blade, gunting, pang-ahit, mga utensils na gawa sa bakal, ballpen, rice cooker at iba pa.
Habang sa Pasay City Jail, nasabat naman sa labing anim (16) na selda ang mga electric fan, lapit, ballpen, pang ahit, scarf at iba pang bawal na gamit.
Mga matutulis na bagay din ang nakuha ng mga otoridad sa operasyon sa Marikina City Jail.
Walang nakuhang iligal na droga sa mga naturang piitan.