Nagsagawa ng Oplan Greyhound ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa Quezon City Jail kaninang umaga.
Kabilang sa mga nakuha ng otoridad sa loob ng selda ay mga bakal at malalaking bato na ginagamit ng mga preso bilang hasaan upang makagawa ng matutulis na bagay.
Narekober din ang ilang mga ballpen at toothbrush na hinahasa ng mga bilanggo para gamiting panaksak.
Matatandaang isang preso ang nasawi noong nakaraang linggo matapos masaksak sa naganap na riot sa pagitan ng dalawang magkalabang “gang” sa loob ng piitan.