Naglabas ng QR Code system ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magagamit ng publiko upang magreklamo sa ahensya laban sa mga mananamantala at isnaberong tsuper ngayong holiday season.
Maaari itong makita sa official Facebook page at i-iscan gamit ang smart phones kung saan lalabas ang “Oplan Isnabero Complaint form.”
Dito ilalagay ang mga kinakailangang detalye tulad ng pangalan ng nagrereklamo, oras at petsa ng insidente, plate number ng taxi o ibang pampublikong sasakyan, gayundin kung ano ang mga nais na suwestyon.
Dapat ding ilagay ang mga “supporting details” ng reklamo, partikular na ang lawaran o video na maaaring i-upload bilang ebidensya.
Samantala, nakatakda ring magsagawa ng random at surprise operation ang LTFRB sa Metro Manila at iba pang urban areas laban sa mga isnaberong tsuper.