Muling bubuhayin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang “Oplan Isnabero” nito sa harap ng inaasahang pagdami ng mga pasahero ngayong holiday season.
Layon ng “Oplan Isnabero” na protektahan ang mga pasahero mula sa mga mapili at nanngongontratang mga taxi driver.
Kaugnay nito, hinimok ng LTFRB ang publiko na i-report ang mga isnaberong taxi driver, sa pamamagitan ng kanilang hotline number na 1341 at QR-code upang mas madaling mai-report ang ganitong insidente.
Ang mga taxi driver na mapatutunayang nang-iisnab o namimili ay pagmumultahin ng P5,000 para sa first offense; P10,000 para sa second offense; at P15,000 at posibleng pagbawi ng prangkisa sa third offense.