Pinaigting pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang kanilang pagpapatupad ng ‘Oplan Isnabero’ ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada, layon nitong matutukan ang mga tsuper na mangongontrata at tatangging magsakay ng mga pasahero lalo na sa mga mall.
Babala ng LTFRB, ang mga taxi driver na mapatutunayang tumatangging magsakay ng pasahero ay pagmumultahin ng P5,000 sa unang paglabag at P10,000 sa ikalawang paglabag.
Samantala, bukod sa P15,000 multa ay kakanselahin din ang prangkisa ng mga tsuper na lalabag sa ikatlong pagkakataon.
—-