Handang-handa na ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board para salubungin ang mga magsisipag-balik Maynila ngayong araw.
Kasabay nito, naka-alerto na rin ang LTFRB kontra sa mga isnaberong taxi drivers na mananamantala sa dagsa ng mga magsisipag-uwian matapos gunitain ang semana santa sa mga lalawigan.
Ayon kay LTFRB Board Member at I-ACT o Inter-Agency Council on Traffic Spokesperson Atty. Aileen Lizada, magtatalaga sila ng mga tauhan sa mga terminal ng bus sa Quezon City at Pasay para matiyak na hindi na mamimili ng pasahero ang mga pasaway na taxi drivers.
Babala pa ni Lizada sa mga mangongontratang taxi drivers na tiyak malalagay sila sa kalaboso kung sakaling sila’y ireklamo ng kanilang mga pasahero at parurusahan batay sa umiiral na mga reglamento ng ahensya.