Pormal nang inilunsad ng pamahalaan ang kanilang kampaniya kontra sa paggamit ng mga paputok ngayong holiday season.
Isang sayaw ang pinangunahan ni DOH Asst/Sec. Dr. Eric Tayag kasama ang mga mascot na sina PO1 Bato ng PNP at ni Berong Bumbero naman ng Bureau of Fire Protection o BFP sa isang paaralan sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Health Secretary Pauline Jean Ubial, hindi sila titigil hangga’t hindi lubusang nauunawaan ng publiko ang peligrong hatid sa tao ng mga paputok.
Shame Campaign
Maglulunsad ng shame campaign ang Department of Health o DOH sa mga lokal na pamahalaang nakapagtatala ng pinakamataas na insidente na may kinalaman sa paputok.
Ito’y ayon kay Health Secretary Pauline Jean Ubial ay upang mabawasan ang mga nasasawi o nasusugatan dahil sa paggamit ng paputok sa tuwing sasalubong sa pasko at bagong taon.
Ani Ubial, ilalabas aniya nila sa enero a-singko ang listahan ng mga local government units na sumunod sa kautusan ng doh na nagtatakda ng regulasyon sa mga paputok.
Kasunod nito, nanawagan si Ubial sa mga lokal na pamahalaan na gamapanan ang kanilang papel sa kampaniya kontra paputok upang maiwasan ang disgrasya lalo na sa mga kabataan.
By Jaymark Dagala