Idinipensa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang Oplan Kalinga Program na pinamumunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Vergeire ang DILG ay binigyan ng kapangyarihang i-monitor ang pagho- home quarantine ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patiensts sa pamamagitan ng BHERTS o barangay health emergency response teams na siyang nakatutok sa usapin.
Umani ng batikos ang Oplan Kalinga partikular ang bahagi na magba bahay bahay ang mga pulis at health workers para hanapin ang mga mild o asymptomatic cases ng COVID-19.
Iginiit naman ni vergeire na pinapayagan naman ang home quarantine subalit ang pasyente ay dapat mayruong sariling kuwarto, sariling banyo at walang kasamang matanda, buntis o may sakit sa isang bahay.