Ikinasa na ng pambansang pulisya ang kanilang Oplan Kaluluwa 2017 bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa nalalapit na Undas.
Ayon kay PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa, saklaw ng kanilang Oplan Kaluluwa ang pagbibigay ng seguridad sa lahat ng sementeryo at iba pang mga matataong lugar.
Bagama’t wala naman aniya itong pinag-iba sa mga inilatag nilang seguridad sa mga nakalipas na Undas, patuloy pa ring pinapayuhan ng pulisya ang publiko na maging laging naka-alerto at mapagmatyag.