Naghahanda na ang Lungsod ng Tagaytay para sa pagdagsa ng mga turista sa parating na Undas.
Ayon kay P/chief Lt. Col. Charles Daven Capagcuan, maliban sa semeteryo inaasahan ding bibisita sa mga pasyalan, hotel at kainan ang mga Pilipino kaya naman nagkasa ang lungsod ng ‘Oplan Kaluluwa’ para mag deploy ng mga tauhan upang paigtingin ang kaayusan sa nasabing lugar.
Inaasahan ang pagdasa ng mga turista dahil malapit na ang peak season.
Tinitiyak ng mga otoridad na maigting pa ring ipapatupad ang health protocols sa Covid-19. —sa panulat ni Jenn Patrolla