Sisimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa Lunes, Oktubre 26 ang clean-up drive sa ilang pang-publiko at pribadong sementeryo bilang preparasyon sa Undas.
Ang taunang clean-up campaign ay bahagi ng “Oplan Kaluluwa” na nagsimula kahapon at magtatapos sa November 3.
Ide-deploy ang mga personnel mula sa metro parkway clearing group ng MMDA sa La Loma Cemetery sa Caloocan City, Mandaluyong at San Felipe Neri Catholic Cemetery; Manila North Cemetery at South Cemetery sa Makati;
Barangka Cemetery at Loyola Memorial Park sa Marikina, Manila Memorial Park, Palanyag Public Cemetery sa Parañaque City; Sargento Mariano Public Cemetery sa Pasay City;
Baraks, Roman Catholic Cemetery sa Pasig City; Aglipay Cemetery Bagbag, Baesa sa Quezon City; San Juan Cemetery; Hagonoy Cemetery at Libingan ng mga Bayani sa Taguig;
Arkong Bato, Palasan Cemetery, Karuhatan Cemetery sa Valenzuela; Soldiers Hill Cemetery sa Muntinlupa; St. Joseph Public Cemetery sa Las Piñas at Tugatog Cemetery sa Malabon.
By Drew Nacino