Muling iginiit ng Philippine National Police na walang pamumulitika at iba pang agenda ang pagsasagawa ng oplan katok.
Ginawa ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil ang pahayag matapos ipanawagan ng Commission on Elections na suspindihin ang operasyon dahil maari itong magamit sa pananakot at pangha-harass ngayong eleksyon.
Ayon kay General Marbil, buong taon nilang ginagawa ang oplan katok at alinsunod ito sa Republic Act no. 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Wala aniyang basehan ang mga sinasabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, dahil legal, dumaan sa tamang proseso, at target lamang nitong ipaalala sa mga gunowner na mag-renew ng kanilang pasong lisensya ng baril. – Sa panulat ni Laica Cuevas