Mas pinaigting pa ng Highway Patrol Group (HPG) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang operasyon laban sa mga isnaberong taxi drivers ngayong panahon ng pasko.
Ayon sa HPG at LTFRB, tuloy-tuloy ang oplan kanilang isnabero at pagbabantay laban sa mga pasaway na taxi drivers lalo na ngayong pahirapan ang biyahe at pagsakay.
Batay sa ulat, wala nang nagawa pa ang mga taxi drivers sa Quezon City nang tiketan na sila ng mga operatiba ng HPG at LTFRB matapos tanggihan o mamili ng mga pasahero.
Ilan din ang sinita dahil sa paglabag sa ilang ordinansa tulad ng hindi pagsusuot ng uniporme habang pumapasada at nakasuot lamang ng tsinelas.