Sisimulan ng Manila International Airport Authority o MIAA ang pagpapatupad ng “Oplan Lakbay Pasko 2015” sa susunod na linggo.
Ito’y bilang paghahanda para sa inaasahang pagbuhos ng mga pasahero sa paliparan bunsod ng nalalapit na Kapaskuhan.
Sa ilalim ng operation plan, titiyaking ligtas, maaasahan, at convenient ang operasyon o serbisyo sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA mula December 15 hanggang January 5, 2016.
Nakipag-ugnayan na rin umano ang miaa sa mga airlines upang maging maayos ang daloy ng mga pasahero lalo na sa check-in counters.
Ayon kay MIAA General Manager Jose Angel Honrado, inaasahan na nila ang libu-libong mga biyahero na uuwi ng Pilipinas dahil sa holiday season.
By Jelbert Perdez