Hindi makokompromiso ang operasyon ng Oplan Lambat Sibat kahit pa na nakatutok na ang mga pulis sa pagtitiyak ng seguridad sa eleksyon.
Ito ang pagtitiyak ni PNP Spokesman Police Chief Superintendent Wilben Mayor, matapos ihayag ng liderato ng PNP na huhugutin nila ang mga pulis na nasa Lambat Sibat Program para dagdagan ang puwersa ng Kapulisan sa mga lugar na nasa election watch list.
Paliwanag ni Mayor hindi naman basta-basta kukunin ang mga tauhan ng Oplan Lambat Sibat, pag-aaralan muna ang sitwasyon ng isang lugar kung kakayanin ba nito na mabawasan ang mga tauhan at kung hindi ba mataas ang insidente ng krimen doon.
Giit pa ni Mayor, katuwang naman nila sa seguridad ng isang lugar ang mga tinatawag na auxiliary forces gaya ng mga barangay tanod, kaya hindi mapipilay ang operasyon kontra krimen kahit pa magbawas ng pulis.
* Details via Jonathan Andal