Inilunsad na ng Department of Health o DOH ang kanilang Oplan Mayon kaugnay ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkan.
Ayon sa DOH, activated na sa buong Region 5 ang hospital alliance network sa mga pribadong ospital kasabay ng pagbabantay na rin sa posibleng outbreak ng sakit sa mga evacuation center.
May listahan na rin ang DOH ng mga contingency building na maaaring gamiting extension ward sakaling dumagsa ang mga mangangailangan ng atensyong medikal.
Maliban dito, nasa code blue na rin ang mga ospital sa rehiyon habang nagpadala na rin ang ahensya ng dalawang rapid health assessment team sa Camalig, Guinobatan at Ligao City.
—-