Temporary setback lamang ang Oplan Tokhang kaya hindi dapat na manghinayang ang publiko kung hindi muna makapag-operate ang mga pulis.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar matapos manawagan si Senador Allan Peter Cayetano na ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Oplan Tokhang.
Ayon kay Andanar, nasa proseso pa ng cleansing o paglilinis sa hanay ng Philippine National Police at sa sandaling matapos ito ay baka ikunsiderang ibalik ang oplan tokhang.
Pakingan: Bahagi ng panayan kay Sec. Andanar sa DWIZ
Matatandaang inilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine drug Enforcement Agency ang Oplan Tokhang dahil ginagamit ng ilang tiwaling pulis ang operasyon para kumita at makagawa ng malaking pera.
By: Aileen Taliping