Magbabalik na ngayong buwan ang Oplan Tokhang.
Ayon kay Philippine National Police o PNP Chief Ronald Dela Rosa, binigyan na niya ng go signal nitong Lunes ang mga lider ng pulisya sa iba’t ibang lugar na ilunsad na muli ang ‘Tokhang’.
Hinihintay na lang aniyang matapos ang gagawing pagpupulong ng mga miyembro ng PNP Oversight Committe na siyang sisigurong tama ang ipatutupad na ‘Tokhang’.
Ayon kay Bato, hindi magiging madugo ang ilulunsad nilang ‘Tokhang’ lalo’t bloodless naman raw talaga ang konsepto nito.
PNP to relaunch ‘bloodless’ Tokhang this month – PNP Chief Dela Rosa @dwiz882 pic.twitter.com/RSVFlnXbaP
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) January 12, 2018
Katok at pakiusap lang naman kasi aniya ang ginagawa dapat sa ‘Tokhang’ at walang hulihan na nagaganap kung wala namang naaktuhang gumagawa ng iligal.
Giit ni Dela Rosa, hindi na nila hahayaan na malusutan muli ng mga tiwaling pulis na nanghihingi ng pera sa mga drug personalities habang nagbabahay-bahay para matanggal ang pangalan sa drug watchlist.
—-