Nais ibalik ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng Administrasyong Marcos.
Ayon sa Senador, dapat maibalik ang kampaniya laban sa iligal na droga lalo na’t dumarami nanaman ang mga naitatalang sindikato sa bansa.
Nabatid na noong nakaraang administrasyon, si Dela Rosa ang namuno sa PNP kung saan naging kontrobersiyal ang kanilang Anti-Narcotics Crackdown.
Ipinagmalaki ni Dela Rosa na bumaba umano ng halos 50% ang crime volume sa bansa dahil sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang.
Matatandaang sa ilalim ng naturang programa, literal na kumakatok sa mga pintuan ng mga pinaghihinalaang kriminal o mga gumagamit at nagtutulak ng droga ang mga Pulis, tsaka aarestuhin ang mga sangkot dito.
Naniniwala si Dela Rosa na sa tulong ng naturang programa, mas lalong bababa ang naitatalang kaso ng krimen partikular na ang iligal na droga sa bansa.