Umiiral na ang kultura ng takot sa Barangay Payatas sa Quezon City at mga karatig na barangay dahil sa di umano’y pang ha harass ng mga pulis ng QCPD o Quezon City Police District.
Ito, ayon kay Atty. Rommel Bagares, Executive Director ng Centerlaw o Center for International Law ang dahilan kayat nagpasya silang dumulog sa Korte Suprema para matigil ang Oplan Tokhang sa Quezon City.
Sinabi ni Bagares na ginamit ng mga pulis mula sa Batasan Station ng QCPD ang Oplan Tokhang para itago ang pagpatay nila sa apat kataong naglalaro lamang ng pool sa Area B- Barangay Payatas noong August 2016.
Matapos ang insidente ay halos araw-araw na di umanong nagtutungo doon ang mga pulis makaraang mapag-alaman na mayroong survivor at may tatayong testigo laban sa ginawa nilang pagpatay sa apat (4) katao.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Rommel Bagares
Ayon kay Bagares, sa ngayon ay localized lamang ang inihain nilang petisyon sa Korte Suprema subalit puwede itong palawakin sakaling may iba pang grupo na may kahalintulad na karanasan sa Oplan Tokhang.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Rommel Bagares
‘Will be cooperative‘
Samantala, handang tumalima ang Quezon City Police District sa magiging desisyon ng Supreme Court sa hirit ng isang grupo ng mga abogado na ipatigil na ang Oplan Tokhang sa lungsod.
Kaugnay ito sa pagpatay ng mga pulis mula sa Station 6 sa apat (4) kataong hinihinalang drug personalities sa Payatas, noong Agosto.
Ito, ayon kay QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, ay sa oras na matanggap na nila ang kopya ng petisyon ay pag-aaral nila ang kanilang magiging hakbang.
Bahagi ng pahayag ni QCPD Director C/Supt. Guillermo Eleazar
Sa kabila nito, nanindigan si Eleazar na lehitimo ang isinagawang operasyon ng kanyang mga tauhan sa naturang lugar.
Bahagi ng pahayag ni QCPD Director C/Supt. Guillermo Eleazar
By Len Aguirre | Drew Nacino | Credit to: Ratsada Balita (Interview)