Ipinatigil na ni Philippine National Police Chief, Director General Ronald Dela Rosa ang pagpapatupad ng Oplan Tokhang sa buong bansa.
Ito’y kasunod na rin ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat na sa PDEA o Philippine Drugs Enforcement Agency ang kapangyarihan sa war on drugs.
Ayon kay Dela Rosa, tututok muna sila sa mga kampanya kontra kriminalidad, partikular na sa mga krimeng kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem, at sa paglilinis ng kanilang hanay o internal cleansing.
Sinabi pa ni Dela Rosa na nagkausap na sila ni Pangulong Duterte at aniya ayon sa punong ehekutibo ay magpahinga muna sila dahil marami na ang bumabatikos sa gyera kontra droga.
Nilinaw naman ni Dela Rosa na suportado nila at handa silang magbigay ng tulong sa PDEA kahit pa tinanggalan na sila ng kapangyarihan ng Pangulo sa war on drugs.