Ilalarga na ng PNP-Highway Patrol Group ang “Oplan Tokhang versus Wang-Wang” bilang bahagi ng “Oplan Disiplinado driver.”
Ito, ayon kay P.N.P.-H.P.G. Director, Chief Supt. Arnel Escobal, ay upang mapigilan ang mga motoristang gumagamit ng malakas na sirena para makaiwas sa masikip na daloy ng trapiko.
Gaya anya ng anti-illegal drugs campaign, huhulihin ng mga pulis ang mga motoristang makikitang iligal na gumagamit ng sirena at kakatukin ang kanilang mga pinto at kukumpiskahin ang naturang aparato.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy niya ang “No Wang-Wang” policy na ipinatupad ni dating Pangulong Noynoy Aquino.