Maglulunsad ng Oplan Undas ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong linggo.
Dahil ito sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya.
Katuwang ang Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metropolitan Manila Development Authority at Inter-Agency Council for Traffic, layunin ng programa na matiyak ang kaayusan at kalinisan sa terminal sa Undas.
Inihayag ni PITX spokesman Jason Salvador na nasa 150K pasahero ang inaasahan nilang bubuhos sa terminal habang papalapit ang Todos Los Santos at sa araw ng mga patay.
Pinayuhan naman ang mga pasahero na limitahan ang mga dalang gamit upang maging komportable sa biyahe. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla