Bubuhayin ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang Oplan Undas simula sa Biyernes, Oktubre 27.
Ayon kay MMDA Chairman Dannilo Lim, halos 3,000 tauhan ng MMDA na binubuo ng traffic enforcers at augmentation teams ang ipakakalat nila simula sa Biyernes.
Ipatutupad din aniya ang No Day Off Policy sa lahat ng tauhan ng MMDA mula sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 2.
Bago dumating ang undas, ipakakalat na sa mga sementeryo ang mga miyembro ng Metro Parkway Clearing Group o MPCG upang maglinis.
Kabilang sa mga binanggit na sementeryo ang North Cemetery at la Loma Cemetery sa Caloocan; North Cemetery at Manila North Green Park sa Maynila; Golden Heaven Cemetery sa Las Piñas City; Makati South Cemetery sa Makati City;
Tugatog Cemetery sa Malabon City; Mandaluyong Cemetery at San Felipe Neri Catholic Cemetery sa Mandaluyong City; Barangka Cemetery sa Marikina City; Soldiers Hill Cemetery sa Muntinlupa City; Navotas Cemetery; Palanyag Public Cemetery sa Parañaque City;
Sargento Mariano Public Cemetery sa Pasay City; Baraks, Santolan, Roman Catholic Cemetery sa Pasig City; Golden Memories, Aglipay Cemetery, San Joaquin at San Roque Cemetery sa Pateros; Bagbag, Novaliches at Sangandaan sa Quezon City; San Juan Cemetery, Hogonoy Municipal Cemetery sa Taguig City at; Arkong Bato at Karuhatan Cemetery sa Valenzuela City.