Pumanaw na sa edad na 75 ang OPM legend at miyembro ng iconic trio na Apo Hiking Society na si Danny Javier.
Ito ang kinumpirma sa Facebook account ng kaniyang anak na si Justine Javier kung saan, sinabi niya na ang kaniyang ama ay may kumplikasyon at may iniindang karamdaman, na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Matatandaang sa naging pahayag ng isa pang miyembro ng Apo Hiking na si Boboy Garovillo, sinabi niya na imposible nang magkaroon ng reunion ang kanilang grupo dahil sa karamdaman ni Danny.
Humingi naman ng pang-unawa at privacy ang pamilya ng pumanaw na singer-songwriter, kasabay ng kanilang pasasalamat sa lahat ng nakikiramay, nagpapadala ng mensahe at patuloy na nagdarasal sa kanilang pamilya at sa yumaong si Danny.