Lumiliit umano ang tsansa na makahakot ng suporta mula sa mga botante sa 2022 national at local elections ang ruling party na PDP-laban at oposisyon.
Ito ang paniniwala ni Political Analyst at Professor Edna Co, Dean ng UP National College of Public Administration and governance sa gitna ng kaliwa’t kanang paramdam ng mga kandidato, walong buwan bago ang halalan.
Ayon kay Co, ang kabiguan ng oposisyon na magkaisa laban sa Duterte administration at lumalalang hidwaan ng magkalabang paksyon sa PDP-Laban ang dahilan kaya’t maaaring mag-dalawang-isip ang mga botante.
May negatibo anyang impresyon sa mga botante ang banggaan ng paksyon nina Senator Manny Pacquiao at Energy Secretary Alfonso Cusi.
Gayunman, binigyang-diin ni Co na marami pa namang pwedeng magbago partikular ang pananaw ng mga botante. —sa panulat ni Drew Nacino