Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang kanyang mga kasamahan sa Liberal Party na lakasan pa ang kanilang pagkontra sa kasalukuyang administrasyon.
Ito’y makaraan ang nangyaring rigudon sa senado kamakailan kung saan, tinanggalan ng posisyon ang kanilang mga kasamahan kaya’t lumabas na naging sunud-sunuran na lamang ang institusyon sa mga nais ng Malakanyang.
Indikasyon din aniya ng pagganti sa kanila ng administrasyon ang ginawang pagpapakulong kay Senadora Leila De Lima na matinding bumabatikos sa mga extra-judicial killings.
Ginawa ni Robredo ang kanyang pahayag nang bisitahin nito ang mga mangingisda sa lalawigan ng Bohol.
By Jaymark Dagala |With Report from Jonathan Andal