Nanawagan ngayon mga senador mula sa oposisyon sa administrasyong Duterte na solusyunan ang patuloy na pagsipa ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ginawa ng Liberal Party (LP) senators ang pahayag matapos na pumalo sa 6.7 inflation rate para sa buwan ng Setyembre na pinakamataas sa halos isang dekada.
Giit ng mga mambabatas, dapat mas tutukan ng pamahalaan ang pagtugon sa problema ng mataas na presyo ng mga bilihin at hindi ang mga intriga.
Sinabi naman ni Senadora Risa Hontiveros na kabilang sa mga dapat aksyunan ng gobyerno ang suplay ng bigas at mataas na buwis sa petrolyo sa susunod na taon.