Tila sanib puwersa na ang oposisyon sa Kamara at Simbahang Katolika para harangin ang pagbuhay sa death penalty.
Kasunod ito nang pag kumpirma ni Congressman Teddy Baguilat ng genuine opposition sa Kamara sa pakikipag-usap sa mga lider ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para paghandaan ang puspusang pagkilos kontra parusang kamatayan.
Inamin ni Baguilat na mas malakas ang boses ng Simbahang Katolika para makakuha ng malaking suporta para mabigo ang mga pagtatangkang ibalik ang death penalty.
Kibit-balikat
Samantala, binalewala ni Congressman Fredenil Castro ang aniya’y pag iingay ng oposisyon sa Kamara kontra pagbuhay sa death penalty.
Ayon kay Castro, pangunahing may akda ng panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan, malaking factor ang suporta ng Pangulong Rodrigo Duterte at maging ang mga kasamahang mambabatas para magtagumpay ang pagsusulong nila sa nasabing hakbang.
Iginiit ni Castro na panahon na para ibalik ang death penalty dahil na rin sa mga insidenteng dulot ng iligal na droga at iba pang heinous crimes.
By Judith Estrada-Larino