Wala nang balak umapela pa ang genuine minority ng kamara sa Korte Suprema para baliktarin ang naging pasya nito.
Ito’y makaraang pagtibayin ng high tribunal ang pagpapalawig ng kongreso sa isang taong martial law extension sa Mindanao.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, sumuko na sila sa laban dahil hindi na maituturing na court of last resort ang Korte Suprema.
Mistulang kasabwat na aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kongreso ang high tribunal dahil lahat aniya ng mga desisyon nito ay laging pumapabor sa administrasyon.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jill Resontoc
Posted by: Robert Eugenio