Aminado ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na nagpapatuloy ang tahimik at “unofficial” na paraan ng usapang pang-kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng komunista.
Gayunman, nilinaw ni Peace Adviser, Secretary Jesus Dureza na walang back channel negotiations na nagaganap simula nang i- terminate ang peacetalks noong Nobyembre.
Ayon kay Dureza, ang tungkulin ng OPAPP ay maghanap ng mga paraan upang umusad ang usapang pangkapayapaan kaya’t ipinagpapatuloy nila ito sa un-official at tahimik na paraan.
Hindi naman idinetalye ng government chief negotiator kung anong mga ginagawa ng OPAPP upang umusad ang usapang pangkapayapaan.