Pormal nang kinilala ng mga bansa sa Europa ang opposition leader ng Venezuela na si Juan Guiado bilang interim president ng bansa.
Ayon kay British Foreign Minister Jeremy Hunt, si Guiado ang dapat na maging interim constitutional president hanggang magkaruon ng kapani paniwalang eleksyon.
Sinabi ni French President Emmanuel Macron, sumusuporta kay Guiado na karapatan ng mga taga Venezuela na ihayag ang kanilang saloobin ng malaya.
Inihayag naman ni German Chancellor Angela Merkel na inaasahan ng mga bansa sa European union na sisimulan ni Guiado ang mabilis na election process.
Binigyang diin naman ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na may tungkulin ang international community na tumulong at tiyakin na nangyayari ang mga bagay nito kasabay ang kinakailangang garantya.
January 23 nang ideklara ni Guiado ang kaniyang sarili bilang acting president kasunod nang hamon sa pagiging pangulo ni Maduro.