Nagbanta ang mga taga oposisyong Senador na ipapatanggal sa panukalang buget ng Philippine National Police ang 900 Milyong Pisong pondo para sa kampanya kontra ilegal sa ilalim ng Oplan Tokhang.
Ayon kay Senador Bam Aquino, napakalaki ng inilaang pondo ng gobyerno para sa Oplan Tokhang na nangangahulugan aniyang marami na namang ang maitatalang patay.
Nangangamba ang mga taga oposisyon sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa war on drugs.
Binigyang diin ni Aquino na marami ring kaso ng mga pagpatay ng riding in tandem ngunit tila hinahayaan lamang ito na hindi maresolba ng mga otoridad.
Nanindigan ang Senador na hindi pagpatay ang para maresolba ang problema sa iligal na droga.