Nagbigay ng paalala ang Office of the Press Secretary (OPS) at Department of Health (DOH) sa mga biyahero na magtutungo sa Pilipinas.
Paglilinaw ng OPS at DOH, iisa lamang ang opisyal na One Health Pass, na accessible sa lahat at hindi nangangailangan ng anumang bayad.
Maaaring ma-access at mag-register sa pamamagitan ng https://www.onehealthpass.com.ph.
Pinayuhan naman ang publiko na maging vigilante sa pag-access sa mga website na may kaugnayan sa requirements sa pagpasok sa bansa.