Nakikiisa ang Office of the Press Secretary (OPS) sa pagdiriwang ng National Food Fortification day ngayong araw na ito.
Ayon kay OPS -OIC Undersecretary Cheloy Garafil , layon ng pagdiriwang na maisulong ang kahalagahan ng food
fortification o paglalagay ng mga bitamina at mineral gaya ng vitamin a, iron, at iodine sa mga pagkaing dumadaan sa proseso bilang tugon sa micronutrient deficiency.
Taong 2004 nang lagdaan ng Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang executive order kung saan itinatalaga ang Department of Health bilang lead agency para sa nationwide observance ng national food fortification day tuwing ika-7 ng buwan ng Nobyembre.
Ang food fortification ay isa sa mga itinuturing na impact programs ng philippine plan of action for nutrition at sinasabing most cost-effective strategy sa pagtugon sa suliranin hinggil sa malnutrisyon.