Wala sa Japan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ang nilinaw ni ofFice of the Press Secretary Officer-In-Charge Cheloy Garafil kasunod nang usap-usapan na kasalukuyan umanong nasa Japan ang punong ehekutibo sa gitna ng pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa.
Matatandaang noong Sabado ay pinangunahan ng pangulo ang full council meeting kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council upang talakayin ang mga hakbang sa pagtugon sa bagyo.
Sa nasabing pagpupulong, inirekomenda ni NDRRMC Executive Director and Office of Civil Defense Administrator Raymundo Ferrer sa pangulo ang pagdedeklara ng National State of Calamity sa loob ng isang taon, maliban na lamang kung ito ay babawiin.
Sinabi naman ng pangulo na kanyang hihintayin ang resolusyon at pag-aaralan ito.