Seryosong isyu para sa Office of the Press Secretary (OPS) ang paglaganap ng fake news sa Pilipinas.
Ito ay matapos lumabas sa survey ng Pulse Asia na 86% ng mga Pilipino ang naniniwalang problema sa bansa ang fake news.
Ayon kay OPS Undersecretary at OIC Cheloy Garafil, seryosong bagay ang fake news sa bansa na dapat tutukan at solusyunan.
Dahil dito, sinabi ni Garafil na may mga programa na silang inilalatag para matugunan ang nabanggit na problema.
Matatandaang sa survey pa ng Pulse Asia, lumalabas na 58% ng mga Pilipino ang kumbinsidong fake news peddles ang social media influencers at bloggers.