Naglabas ng Local Executive Orders ang tatlong Local Government Units (LGU) na nagsasaad na ang paggamit ng face shields ay optional at hindi null and void o invalid.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año nakasaad sa section 16 ng local government code na maaring magpatupad ng mga ordinansa at Executive Orders (EO) ang mga Local Chief Executives na may magandang maidudulot sa kapakanan ng publiko.
Ito ay matapos tawagin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na null and void ang EO na inilabas ng lungsod ng Manila at Davao City.
Ani Año, patuloy na ipinag-u-utos ang pagsuot ng face shields sa mga risk-areas tulad ng ospital at vaccination site. Samantala, pinag-aaralan pa rin ang paggamit nito sa pampublikong sasakyan.—sa panulat ni Joana Luna