Malaking tulong sa sektor ng turismo ng Pilipinas ang pagpapatupad ng opsyonal na pagsusuot ng face mask, kapag nasa outdoor o open spaces.
Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang rekomendasyon ng mga ekperto na payagan nang hindi magsuot ng face mask, kapag nasa lugar na bukas at may espasyong maayos ang bentilasyon.
Sa panayam ng DWIZ kay Joey Concepcion, Dating Presidential Adviser for Entrepereneurship, sinabi nito na malaking bentahe sa turismo ang kautusan dahil mas makakaakit ito ng mga turista at negosyong mamuhunan sa bansa.
Ang mga negosyong makikinabang ay ang mga nakalinya sa hotels at beach na magiging pantapat sa ibang atraksyon ng ibang bansa.
“Eh pangit tingnan yan sa ibang lugar, ang kakompetensya natin ngayon Thailand,Malaysia, Indonesia, at iba pang destinations. So kawawa naman ang tourism natin dito, kailangan ibenta natin iyong mga dump isla, siguro dapat makita nilang walang facemask na gaganahan silang pumunta dito, eh biro mo kung lahat sila gumagamit ng facemask sino pang pupunta dito sa Pilipinas?, Kung lahat ng tao nasa beaches or Isla natin, huwag ng gumamit ng face mask nakakatakot naman iyan.”