Hindi nagpatinag si Cebu Governor Gwendolyn Garcia makaraang i-overrule o hindi kilalanin ng DILG ang kanyang Executive Order na ginagawang opsyonal para sa publiko na magsuot ng face mask sa labas kung walang sintomas ng COVID-19.
Ayon kay Garcia, hindi niya babawiin ang kanyang kontrobersyal na patakaran.
Sa halip, inatasan ng gobernadora ang mga pulis sa lalawigan na huwag hulihin ang mga hindi nakasuot ng face mask, basta’t nasa bukas at maayos na bentilasyon ang mga lugar.
Una nang inihayag ni DILG Secretary Eduardo Año na ang kontrobersyal na utos ni Garcia ay kanyang tinatanggihan at binalaan ang mga hindi magsusuot facemask.
Iginiit din ng kalihim ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat manaig ang mandato sa face mask hanggang matapos ang kanyang termino sa June 30.