Posibleng bawiin ang optional na pagsusuot ng face mask sa Cebu City sakaling tumaas ang mga kaso ng COVID-19 doon.
Ito ang tiniyak ni Department of Health (DOH) Officer In Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan nagpulong na ang Inter Agency Task Force (IATF) hinggil sa naturang isyu.
Sa ngayon aniya ay nasa trial pa lamang ang pagluluwag sa pagsusuot ng face mask sa lungsod ng Cebu.
Samantala, iaanunsiyo naman aniya ng kagawaran sakaling may rekomendasyon na sila sa gobyerno kaugnay sa optional na pagsusuot ng face mask sa nasabing lungsod.