Suportado ng OCTA research group ang kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na luwagan ang face mask mandate sa bansa.
Ayon sa OCTA, naniniwala silang dapat pagbatayan ang siyensya sa anumang pagbabago sa polisiya sa pagtiyak sa kaligtasan ng publiko.
Umaasa anya sila na magtatakda ang Marcos Administration ng “set of triggers” para sa muling pagpapatupad ng facemask sa outdoor spaces sakaling magkaroon na naman ng COVID-19 surge.
Kahapon ay nag-issue inilabas ng malakanyang ang Executive Order no. 3 ng Pangulo na nagpapahintulot sa optional use ng facemask sa open spaces at non-crowded outdoor areas na may maayos na ventilation.